Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 dalagita biniyak ng 2 textmate (Nagtiwala sa bagong kakilala)

CAMP OLIVAS, Pampanga – “ ‘Wag kayong magsusumbong sa inyong magulang kundi reresbakan ko kayo,” ito ang banta sa dalawang dalagitang ginahasa ng dalawang lalaking kanilang textmate kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Agustin, bayan ng San Simon, sa nabanggit na lalawigan.

Base sa ulat ni Chief Insp. Michael Jhon Riego, hepe ng San Simon Police, sa tanggapan ni Senior Supt. Marlon Madrid, Acting Pampanga provincial director, paika-ikang sinamahan ng mga magulang sa himpilan ng pulisya ang dalawang dalagitang itinago sa pangalang Maria, 12, at Magdalena, 15, na ginahasa ng dalawang lalaking nakilala lamang nila sa text na sina Edgar Romero y Guezon, 21, at Bernardo Carpio y Malaking Batu, 23, kapwa ng Brgy. San Agustin, San Simon.

Sa imbestigasyon ni PO1 Mary Jane Genobili, dakong 10 p.m. ay nakipagkita ang dalawang biktima sa mga suspek sa nabanggit na lugar.

Dinala ng mga suspek ang mga biktima sa bahay ni Romero at sapilitan silang pinainom ng alak. Nang malasing ay ginahasa ng dalawang suspek ang mga biktima.

Pagkaraan ay inihatid ng mga suspek ang mga biktima sa tollgate sa highway at nagbantang sila ay papatayin kapag nagsumbong sa kanilang mga magulang.

(LEONY AREVALO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …