Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Williams sinibak ng Meralco (West babalik)

TULUYANG tinanggal na ng Meralco ang import na si Terrence Williams dahil sa kanyang pagiging buwaya.

Kinompirma ni Bolts coach Ryan Gregorio na darating sa bansa ngayon si Mario West para palitan si Williams.

“He had a good stint in France and now that the season is over, he’s now available,” wika ni Gregorio tungkol kay West na dalawang beses na naging import ng Meralco sa PBA Governors Cup. “We just have to wait if he had already boarded on a flight going to Manila.”

Tatlong sunod na talo ang nalasap ng Bolts ngayong torneo dahil kay Williams na kahit galing sa NBA ay sumira sa opensa ng koponan dulot ng kanyang panay na tira sa labas.

“There’s a misfit. Things like that happen,” ani Gregorio.

Sinabi naman ng ahente ni West na si Sheryl Reyes na parating na nga sa bansa ang import.

“He is going to arrive Monday morning,” dagdag ni Reyes. “He had already signed a contract with Meralco.”

ni James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NCRAA Pato Gregorio Buddy Encarnado

DLSU-Dasmariñas, U-Luzon panalo sa pagbubukas ng NCRAA Season 32

DASMARIÑAS, CAVITE — MAGKASALO sa spotlight ang DLSU-Dasmariñas at University of Luzon matapos kapwa magwagi …

PSC BCDA John Hay Sports Center Baguio

PSC, BCDA nagtulungan upang gawing pangunahing sentro ng sports tourism ang John Hay sa Baguio

BAGUIO CITY — ISANG bagong yugto sa pag-unlad ng palakasan sa Pilipinas ang nagsimula sa …

Sam Kerr Football

Sa AFC Women’s Asian Cup
Matildas tinalo ang Filipinas sa goal ni Kerr

Burswood, Perth — ANG nagbabalik na star striker na si Sam Kerr ang umiskor ng …

Arbois Hallasgo Tokyo Marathon

Arbois, Hallasgo kumikig sa Tokyo Marathon; SEA Games record binura

MISTULANG patunay sa matikas na pagbabago ang pamosong Tokyo Marathon nang kapwa umukit ng gintong …

AFC Womens Asian Cup 2026

Filipinas vs. Australia: Pambungad na Laban sa AFC Women’s Asian Cup 2026

PERTH, Australia — NAKASANAYAN na ng Philippine national women’s football team ang maaraw, maaliwalas, at …