ni ROMMEL PLACENTE
INAMIN ni Vice Ganda sa interview sa kanya ni Kris Aquino sa The Buzz na break na sila ng basketeer niyang boyfriend. Pero magkaibigan pa rin daw sila nito. Lahat naman daw na exes niya ay naging kaibigan pa rin niya kahit nakipaghiwalay na siya sa mga ito.
“Kaya kaya ko kasi nakaka-move on ako, kaya kaya ko silang maging friends,” sabi ni Vice.
”Hindi lang kayo magiging friends kapag may galit, may poot, may natitira sa ‘yong itim,” aniya pa.