INIIMBESTIGAHAN ng pulisya sa Mumbai ang isang restaurant bunsod ng paggamit ng drone sa pag-deliver ng pizza nang hindi ipinaaalam sa kanila.
Ang Francesco’s Pizzeria ay gumagamit ng remote-controlled four-rotored drone sa pag-deliver ng order.
Ayon sa restaurant, kauna-unahan sila sa mundo sa paggamit ng drones sa delivery at sinabing ito ang solusyon sa paghahatid ng pagkain bago ito lumamig sa mga lugar na matindi ang traffic jam ka-tulad ng lungsod.
Ngunit sinabi ng city police na kanilang binubusisi kung humingi ng permiso ang resturant mula sa civil aviation authorities.
Inihayag ng local police chief sa PTI news agency: “We are very sensitive towards anything that flies in the sky with the help of remote control.”
Habang iginiit ni Francesco’s chief executive Mikhel Rajani, ang delivery ay ligtas dahil ang drone ay lumilipad nang mababa sa 400ft at malayo sa security establishments.
“We successfully carried out a test-delivery by sending a pizza to a customer located 1.5 km away from our outlet on May 11,” aniya.
Ang four-rotor drone, nagkakahalaga ng £1,100, ay kumukuha ng order mula sa central Mumbai’s Lower Parel area sa high-rise building na katabi ng Worli.
Dagdag pa ni Mr. Rajani, mayroon pang ilang technical difficulties dahil ang machine ay maaari lamang maglakbay ng hanggang 8km bago humina ang baterya nito. (ORANGE QUIRKY NEWS)