Wednesday , November 6 2024

Pacquiao-Marquez V posibleng mangyari

MUKHANG hindi na matutuloy ang Pacquiao-Marquez V.

Sa huling interview kay Nacho Beristain, trainer ni Juan Manuel Marquez, tutol na siya sa paghaharap nina Pacman at Marquez sa ikalimang pagkakataon.

Dahilan ni Nacho—“merely economic” na lang ang magiging kahulugan ng labang iyon.

Sa madaling salita…PERA-PERA na lang.

Mawawala na raw ang kahalagahan ng esensiya ng kasaysayan ng laban ng dalawa.

Anak ng tipaklong.   Ang dami pang dahilan ni Nacho.   Pero bakit noong naghahabol sila ng ikaapat na paghaharap ng dalawa ay sinasabi niyang mahalaga na magkaroon ng rematch sina Pacman at Marquez dahil masyadong kontrobersiyal ang unang tatlong laban.

Tingin natin, ayaw na lang talagang lumaban ang kampo ni Nacho kay Pacquiao dahil alam nilang tsamba lang ang kanan na nagpatulog sa Pambansang Kamao.

Kaya hindi dapat sabihin ni Nacho na wala nang halaga ang ikalima pang pagtatagpo ng dalawa dahil kailangang patunayan ni Marquez na hindi lang tsamba ang panalo niya kay Pacquiao.

Kailangan pang kombinsihin nila ang kasaysayan na talaga ngang nanalo si Marquez kay Pacman.

Sabagay, aminado rin si Beristain na hindi na mauulit ni Marquez ang panalo nito via knockout dahil alam niya na magsisilbing motibasyon yon kay Pacquiao para bumawi at hindi na muling magkamali sa laban.   Kaya ingat na ingat na sila.

Sabagay, pananaw lang iyon ni Beristain.   At iba ang pananaw ni Marquez.

Alam naman natin ang karakter ng mga Mexican fighter.   Hindi mga duwag at hindi umaatras sa hamon.

Sabihin lang na “lucky punch” ang nagpatulog kay Pacquiao sa naging laban nila—aangat na agad ang tapang ni Marquez.

Sa puntong iyon ay posibleng kagatin niya ang hamon ni Pacquiao.

At ang isa pang posibleng hamon kay Marquez para harapin muli si Pacquiao ay ang pangyayaring tinalo ni Pacman si Timothy Bradley na tumalo sa kanya.

0o0

Panonoorin daw ni Floyd Mayweather ang laban nina Sergio Martinez at Miguel Cotto para sa korona ng middleweight.

Posible raw na harapin niya ang mananalo sa dalawa sa susunod niyang laban sa Setyembre.

Mukhang gumagawa na naman ng alingasngas itong si Floyd para mapag-usapan.

Parang ang hirap paniwalaan na lalabanan niya si Martinez.

Posible mangyari iyon kung si Cotto ang mananalo kay Martinez dahil tinalo na niya ito sa isang desisyon.

Pero kung mananalo si Martinez?   Malamang na marami na namang dahilan itong si Floyd.

ni Alex Cruz

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *