KINOMPIRMA ni PBA chairman Ramon Segismundo ang plano ng liga na dalhin ang ilang mga opisyal ng New South Wales Institute of Sports sa Australia para tulungan ang mga reperi para sa darating na ika-40 season na liga.
Unang nagkausap sina Segismundo at ang mga opisyal na Aussie nang nagkaroon ng board meeting ang liga roon noong isang taon.
“The plan is to invite the officials from the New South Wales Institute of Sports and help in our referees’ development program after the third conference. We want them to come over,” wika ni Segismundo sa panayam ng www.spin.ph.
“Australia is a basketball power. And their facilities are impressive when the PBA board visited the South Wales Institute during our board meeting last year. They have a referees’ training and they are much closer to us.”
Bahagi ito ng plano ng PBA na lalong pagbutihin ang officiating na ilang beses na kinuwestiyon ng mga manlalaro, coaches at pati ang ilang mga tagahanga ng liga.
Idinagdag ni Segismundo na limang babae ang nag-e-ensayo para maging bagong reperi ng PBA.
Noong dekada ’80 ay dinala ng PBA ang mga beteranong reperi ng NBA na sina Jim Capers at Lee Jones para maging reperi sa finals ng Crispa-Toyota at Crispa-Great Taste, bukod sa pagsagawa ng referees’ clinics. (James Ty III)