Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fajardo nangunguna sa MVP race

HAWAK ngayon ni Junmar Fajardo ng San Miguel Beer ang liderato para sa pagiging Most Valuable Player ng ika-39 na PBA season, ayon sa mga statistical points na inilabas ng liga noong isang araw.

Nag-average si Fajardo ng 24.4 statistical points sa pagtatapos ng PBA Commissioner’s Cup noong isang linggo.

Naunang nakamit ni Fajardo ang pagiging Best Player ng Philippine Cup noong Pebrero.

Nasa ikalawang puwesto ang 2013 PBA MVP na si Arwind Santos na may 23 SPs samantalang nasa ikatlong puwesto si Jason Castro ng Talk n Text na may 22.4 SPs.

Umakyat sa ika-apat na puwesto si Asi Taulava ng Air21 na may 20.7 SPs dahil sa kanyang mahusay na laro noong Commissioner’s Cup nang dinala niya ang Express sa semis.

Nakamit ni Taulava ang pagiging MVP ng PBA noong 2003.

Nasa ikalimang puwesto naman si Greg Slaughter ng Barangay Ginebra San Miguel na may 20.6 SPs at siya rin ang nangunguna sa Rookie of the Year kontra kay Ian Sangalang ng San Mig Super Coffee na may 13.8 SPs.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …