Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Batchmates, magra-rally sa harap ng Senado (Pikang-pika na sa PDAF issue…)

GAYA ng nakakaraming ordinaryong Filipino, pikang-pika at inis na inis na sa PDAF issue ang grupong Batchmates. Hindi na nila tuloy malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo, kung sino ang dapat paniwalaan at kung sino talaga ang dapat idiin.

“Bilang mamamayan, apektado tayong lahat sa isyu ng PDAF. Imbes na gamitin ang milyong piso para mapaganda ang ating bayan, sa iilang bulsa lang napunta ang pera ng bayan. At napunta ang pera sa mga taong inihalal pa natin, ‘yun ang pinakamasaklap,” bungad ni Aura, isa sa miyembro ng Batchmates.

Pikang-pika na nga raw ang grupo at kung kinakailangang mag-rally sila o sumama sa mga nagra-rally tungkol sa naturang issue ay willing sila.

“Lahat tayo ay  dapat makialam sa isyung ito. Wakasan na ang walang tigil na kurapsiyon sa ating bansa. Itigil na ang pagnanakaw sa kaban ng bayan, itigil na ang pagtatatag ng mga bogus na NGO,” sigaw naman ni Cath.

Basta kung kinakailangan ang kanilang boses at ang kanilang presensiya sa isyu ng PDAF ay nakahanda ang Batchmates.

Naku, mukhang palaban na nga ang grupong Batchmates  at tulad ng iba pang ordinaryong Pinoy  hindi na nila naitatago ang nagpupuyos ng damdamin tungkol sa nakalilitong PDAF issue.

Samantala, out na sa Odyssey at Astro Plus ang self-titled debut album ng Batchmates under LDG and Polyeast Records.

Maraming naka-schedules na shows ang Batchmates. Sa May 30 sa Comikera sa Calamba, Laguna; May 31 Padis , Marikina; June 9 sa Negros Occidental; June 20 sa Anniversary ng Heartbeat Quezon Avenue; June 24 Padis, Alabang at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …