MAGSASAGAWA ng pagsisiyasat ang Department of National Defense sa kaso ng tatlong Filipino sa Qatar na inakusa-han ng pang-eespiya at economic sabotage.
Sinabi ni Deputy Pre-sidential Spokesperson Abigal Valte, gagawa nang nararapat na hakbang ang Defense Department.
Una rito, hinatulan ng kamatayan ang isa sa mga Filipino habang ang dalawa ay makukulong nang habambuhay.
Ayon kay Valte, bibig-yan ng legal assistance ng pamahalaan ang nasa-bing mga Filipino.
Sa mga ganitong hatol aniya, nangangahulugan na maaari pang i-apela ang kaso.
Ang tatlo ay inakusahan sa pagpapasa ng mi-litary at economic secrets sa gobyerno ng Filipinas.