Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Daigdig ng mga Engkanto (Part 3)

PINAYUHAN SI JOAN NA DALHIN SA ALBULARYO ANG ANAK SA PANIWALANG NAEENGKANTO

Nang lapitan ni Joan ang anak ay tumili ito nang pagkalakas-lakas.

“Monster ka!” sabi ni Roby, nasa anyo ang takot.

“A-anak… Si Mommy ‘to…” pang-aalo ni Joan na nangyakap sa batang lalaki.

“Monster! Eeeeeeeeeh!” ang sigaw ni Roby.

Mula sa kinahihigaang sofa ay parang ipu-ipong nagpaikot-ikot ng takbo ang batang lalaki sa mesa ng komedor habang habul-habol ng inang si Joan.

Sa paningin ng kanyang anak na si Roby ay isa siyang halimaw; madilat na madilat ang malalaking mata, matutulis ang ngipin na tulad sa isdang piranha, mahabang patulis ang mga tenga, bukol-bukol ang mukha, matutulis ang mga kuko; at may mabalahibong buntot.

At bigla na lamang nawalan ng ulirat ang bata. Dala na rin marahil ng matinding takot at pagkakaroon ng mataas na lagnat.

Muling isinugod ni Joan sa pagamutan ang batang si Roby. Pero gaya noong una, kinabukasan ay bumuti na ang kalagayan nito kaya pinauwi rin agad ng doktor ng ospital.

Isang kapitbahay nina Joan ang nagmungkahi na patingnan niya ang anak na si Roby kay Ingkong Emong, ang kilalang albularyo sa kanilang lugar.

“Baka kasi naeengkanto ang bata…” ang na-sabi kay Joan ng matandang babae na nakahuntahan niya sa makalabas ng gate ng kanilang bahay.

Nagdalawang-isip noon si Joan na dalhin sa albularyo ang batang si Roby na masiglang nakikipaglaro ng text sa isang batang kapitbahay.

Pagpasok ni Joan ng bahay ay naging abala siya sa maraming gawain. Isinabay niya sa pag-luluto ng sinaing ang paghuhugas ng mga pinggan at iba pang kasangkapang pangkusina.

May tumawag sa kanyang pangalan sa gawing likuran niya. Paglingon niya ay wala namang ibang tao sa kusina. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. May tumawag ulit sa kanya. Halos pabulong iyon at wari’y nasa likuran lamang niya ang may-ari ng tinig. Pero ta-lagang walang ibang naroroon sa paligid niya. Kinilabutan siya at saglit na natigilan. At noon niya napansin ang biglang paglapit sa kanya ng alaga nilang aso. Nagsumiksik ito sa kanyang mga binti na umuungol-ungol. Bahag ang buntot ng hayop. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …