BETHLEHEM – Nasa Bethlehem na si Pope Francis bilang bahagi ng kanyang tatlong araw na pagbisita sa Middle East na tinaguriang “sensitive part.”
Layon ng biyahe ng Santo Papa na paigtingin ang regional peace at magkaroon ng kaunting kaluwagan sa “age-old rift” sa Kristiyanismo.
Unang nagtungo si Pope Francis sa Jordan nitong Sabado, siya’y umapela na tuldukan na ang giyera sa Syria.
Ang tatlong araw na pagbisita ng Santo Papa sa Middle East ay tinawag niyang “pilgrimage of prayer” na gusto niyang dalhin sa Israel at sa teritoryo sa Palestine.
Iginiit ng Santo Papa na “purely religious trip,” ang pagdalaw niya sa Middle East.
Unang inihayag ng Vatican na makikipagpulong ang Santo Papa sa Jerusalem kay Bartholomew I, ang Orthodox Patriarch of Constantinople, at magdarasal para sa kapayapaan ng lugar.
Una nang idinepensa ni Vatican’s Secretary of State Cardinal Pietro Parolin ang karapatan ng mga Palestinians’ para sa isang “sovereign and independent” homeland.