UMAASA ang Department of Foreign Affairs (DFA) na magkakaroon ng peaceful resolution sa bansang Thailand kaugnay sa kinakaharap nilang political crisis.
Sa ipinalabas na pahayag ng DFA, “As a friend and fellow ASEAN member, the Philippines hopes the Thai people will be able to resolve this latest political challenge peacefully through dialogue and in the spirit of national harmony.”
Ayon kay DFA spokesperson Charles Jose, umaasa rin ang pamahalaan ng Filipinas na igagalang ng Thai authorities ang kanilang pangako na respetohin ang democratic principles and human rights nang sa gayon ay manumbalik na ang law and order sa nasabing bansa at isusulong ang mga pagbabago makaraan ang anim buwan na political turmoil.
Nasa ikalimang araw na ngayon makaraan isa-ilalim sa kontrol ng Thai army ang gobyerno sa pa-mamagitan ng coup.
Una rito, nagdeklara ng curfew ang Thai military simula 10 p.m. hanggang 5 a.m..
Sa kabilang dako, itinaas na ng DFA sa “Alert Level 2” ang status para sa mga Filipino na nasa Thailand.
Ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay pansamantalang ipinatupad ang temporary ban sa deployment ng mga bagong hired na overseas Filipino workers patungo sa nasa-bing bansa. (HNT)