ILANG superstars ng PBA ang sang-ayon sa plano ni Manny Pacquiao na pumasok sa liga bilang playing coach ng bagong koponang Kia Motors.
Parehong sinabi nina Asi Taulava ng Air21 at ang tambalang Japeth Aguilar at LA Tenorio ng Gilas Pilipinas na makakabuti para sa liga ang pagsabak ni Pacquiao sa basketball.
“I think, in a way, it will be good for the league,” wika ni Taulava sa panayam ng ABS-CBN News. “Besides, I’m not trying to make him mad. I just want to let him play basketball, and not make him mad and start throwing punches.”
“For sure, a lot of people will watch or are looking forward to watching Manny Pacquiao play in the PBA, and at the same time coach the team,” ani Tenorio. “So I think, maganda ‘yun for the PBA.”
“If we every play against him, I’m gonna respect him by playing hard against him and his team,” dagdag ni Aguilar.
Sa ngayon ay inaayos ng Kia ang magiging kontrata ni Pacquiao sa koponan, kasama ang magiging coaching staff niya.
Hihilingin din ng pamunuan ng Kia sa PBA na hindi siya isali sa Rookie Draft na kinailangan pang daanan ni Pacquiao para makapasok sa liga.
(James Ty III)