Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maybe this time, Coco gets the peace he deserves!

ni Pilar Mateo

EMOTE to-the-bones ang leading man ni Sarah Geronimo sa Maybe This Time na si Coco Martin sa tell-all-tales niya with Boy Abunda.

Binasag na niya ang nananatiling nakakulong sa isang bulang katotohanan tungkol sa pagiging ama niya. Na maiintindihan ang kapakanan pa rin ng bata ang inalala hanggang sa huling sandali.

And the bubble was burst!

Nang dalhin ito sa kanya ng Lola ng bata at handa na siyang kunin ito, nagbigay ng kasagutan ang isang hiling niya na ipa-DNA ang bata. Ang bata na alam na ng kapaligiran niya na si Coco ang ama.

“Negative…Hindi ako ang ama niya…”

Na kung may bubuweltahan ka eh, alam mo na kung sino ang pagbabalingan mo.

Dahil tinangka na ng babaeng ito sa maraming pagkakataon na sirain ang imahe ng lalaking umaming hindi sila kailanman nagkaroon ng relasyon o kaugnayan kundi kapusukan sa matentasyong kapaligiran.

Maybe this time-matatauhan na ang isang Katherine Luna. Maybe this time-tatantanan na niya si Rodel Nacianceno. Maybe this time-alam na ni Katherine kung ano ang totoo at hindi para mas paniwalaan na siya. Maybe this time-Coco gets the peace he rightfully deserves.

Tama ang timing ni God para sa pag-aming ito. Oo, may pelikula. But it’s about time na hindi man i-untie eh, putulin na ang anumang Katherine lambong sa buhay ng aktor!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …