Tuesday , December 24 2024

Diabetiko nagbaril sa sarili

ISANG 66-anyos lalaking negosyante ang nagbaril sa sarili, dahil hindi kinaya ang hirap na nararamdaman tuwing sasailalim sa dialysis, dahil sa sakit na diabetes.

Nakadapa sa kama ang biktimang si Rodolfo Dulay, 66, nang matagpuan ng kanyang asawang si Yorina Dulay, 52, sa Unit 203 Anson Building, 2808 Rizal Ave-nue, Sta. Cruz, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Escarlan, ng Manila Police District-Homicide Section, umuwi sa kanilang inuupa-hang unit ang misis ng biktima galing sa kanilang kantina sa Binondo, nang makitang patay ang mister dakong 6:00 p.m.

“Pagkabukas umano ng kanilang bahay, tinawag nong babae ‘yong mister niya pero hindi daw sumasagot kaya pumunta sa master’s bedroom at doon niya nakitang nakadapa ang kanyang mister, nasa tabi ang isang .9-mm na baril,” ani Escarlan.

“Apat na taon nang may sakit na diabetes ang biktima at nagda-dialysis, hinala ng misis hindi na kinaya ang kanyang sakit,” ayon pa kay Escarlan.

Ang bangkay ni Dulay ay dinala na St. Harold Funeral para sa awtopsiya. (leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *