HANDA na ang Department of Education sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 2.
Sinabi ni DepEd Assistant Secretary Jesus Mateo, dalawang linggo bago ang class opening, “all systems go” na ang ahensiya sa pagtanggap ng mga estudyante.
Tinatayang nasa 23 milyon estudyante ang papasok ngayong school year.
Ayon sa DepEd, handa na ang mga silid-aralan bagama’t sinabi ni Mateo na nagtatayo pa ng karagdagang classrooms lalo na sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda at tinamaan ng lindol.
Samantala, isang linggo bago ang pasukan ay naka-heightened alert na ang PNP. (ED MORENO/BETH JULIAN)