NAGBABALA si Senador Sergio Osmeña III kahapon ng malawakang brownouts sa Metro Manila at Luzon sa susunod na taon na hindi na maaaring isisi sa nakaraang administrasyon.
Ayon kay Osmeña, ang traditional power plants katulad ng coal, hydro, at geothermal ay karaniwang inaabot ng limang taon bago matapos.
“The brownout this year (2014) is still the fault of former President Gloria Macapagal Arroyo, but next year, we should already blame President Aquino,” pahayag ng senador.
Isinisi niya sa mismanagement ng Department of Energy (DoE), na pinamumunuan ni Secretary Jericho Petilla, ang manipis na power reserves, idiniing mayroon investors na nagnanais na magtayo ng bagong po-wer plants.
“The work of the DOE is to anticipate the problem. In Mindanao, there are four coal-fired plants ready to be used, but it took years before they got the approval,” aniya.
Dagdag ng senador, wala siyang problema sa nuclear power plants, ngunit saan aniya itatapon ang nuclear waste.
Aniya, kailangan ng 10-year lead time sa nuclear power plant bago ito maaaring idispatsa.
Sa kabilang dako, ang coal-fired power plants aniya, ay patuloy na hinaharang ng environmentalists. “It’s all about the management of the DOE,” dagdag niya.
Umaasa si Osmeña na walang problemang kakaharapin ang itinata-yong power plants na posibleng magpaantala sa pagtatapos nito.