Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Banal asst. coach ng San Mig

KINOMPIRMA ng dating head coach ng Alaska Milk na si Joel Banal na patuloy ang pakikipag-usap niya  kay Tim Cone para maging bagong assistant coach ng San Mig Super Coffee.

Dalawang bakanteng puwesto bilang mga assistant ang nangyari sa Coffee  Mixers pagkatapos na lumipat si Jeffrey Cariaso sa Barangay Ginebra San Miguel bilang bagong head coach kasama si Olsen Racela bilang assistant.

“I already talked to Tim even before Cariaso’s appointment became official and I told him I will be willing to help him out,” wika ni Banal sa website na InterAksyon.com.

Matagal na naging assistant si Banal kay Cone mula pa noong sila’y nasa Alaska pa.

Naging head coach din si Banal para sa Aces at Talk n Text, bukod pa sa paghawak niya sa Ateneo sa UAAP at Mapua sa NCAA.

Wala pang trabaho si Banal mula noong pinalitan siya ni Luigi Trillo bilang coach ng Alaska noong 2012.

”I’m looking forward at a possible PBA comeback. I had a two-year hiatus and I feel I’m already refreshed and ready to help out in coaching,” ani Banal.

Sa ngayon, ang mga assistant coaches na naiwan kay Cone ay sina Richard del Rosario, Johnny Abarrientos at Mon Jose.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …