HINDI prayoridad ng Palasyo na magkaroon ng anti-political dynasty law kahit pa nakasaad sa 1987 Constitution na kailangan magkaroon ng batas upang ganap na maipagbawal ang pamamayagpag ng mga angkan ng politiko sa bansa.
“ ‘Yan po ay isa sa mga isinasaad ng ating Konstitusyon ng 1987, ngunit kinakailangan ng batas para ipatupad ito. ‘Nong huling tinanong si Pangulong Aquino hinggil diyan, kinikilala niya na mahalaga ang prinsipyo na anti-dynasty, ngunit ayon sa kanya, para sa pamahalaan ay mayroong mas mahahalaga pang prayoridad na lehislasyon na gusto sana niyang maunang maipatupad kaysa diyan sa paksang ‘yan,”ani Communications Secretary Herminio Coloma, Jr.
Napaulat na makaraan ang 27 taon ay sisimulan nang talakayin sa Senado at Mababang Kapulungan ang kanya-kanyang bersyon ng mga inihaing anti-political dynasty bill. (ROSE NOVENARIO)