Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Globe, todo suporta sa Aling Puring convention

052514 globe  Aling Puring

Nagsama-sama sina Daniel Horan (kaliwa), Globe Senior Advisor for Consumer Business, Vincent Co (kanan), Puregold Price Club Inc. (PPCI) Marketing Director at iba pang Puregold trade partners sa paglulunsad ng AlingPuring Convention ngayon taon.

PINALAKAS ng Globe Telecom ang suporta sa retail at small and media enterprise (SME) industries sa pamamagitan ng paglahok sa taunang Aling Puring Convention mula Mayo 21-25, 2014 sa World Trade Center na inorganisa ng Puregold.

Ang pagtitipon ng mga miyembro ng Aling Puring ay binubuo ng mga sari-sari store owners, carinderia operators, food resellers at bulk buyers.

Ngayon taon, binigyang-daan ng Globe ang pagkakaroon ng secure at cashless shopping para sa mga miyembro ng Aling Puring gamit ang kanilang flagship mobile commerce service na GCASH sa pamamagitan ng GCASH card.

Sa paggamit ng GCASH card, hindi na kailangan pang magdala ng cash ang mga miyembro ng Aling Puring sa kanilang pamimili, kailangan lamang lagyan ng pondo ang kanilang mga cards sa alinmang GCASH outlet at mag-swipe sa mga designated GCASH terminals sa mismong convention area.

Bukod dito, ipinakilala rin ng GCASH ang Globe Charge, isang innovative solution na ang mobile phones ay maaaring gamitin bilang point-of-sale (POS) card terminals na kayang tumanggap ng debit at credit card payments.

Sa Globe Charge pinagsasama ang abilidad ng smartphone at mobile card reader para maging isang mobile-POS unit, na mas convenient kaysa mga tradisyonal at mahal na card terminals.

Gamit ang pinakaunang mobile phone-based, micro-finance-focused savings bank na BanKO, ino-offer ngayon ng Globe ang kanilang loan program sa mga miyembro ng Aling Puring upang makatulong sa paglago ng kanilang negosyo.

Noong nakaraang Pebrero, nakipagsanib-pwersa ang GCASH sa Puregold para magtayo ng GCASH service outlets sa lahat ng 200 Puregold branches nationwide. Kasama sa mga serbisyong handog ng GCASH ang International at Domestic Remittance (pagpapadala at pagtanggap ng pera), bills payment, POS (point-of-sale) payment at Cash In/Cash Out.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …