KAYA raw pala malakas ang loob ng isang ‘gambling lord’ sa Maynila at sandamakmak ang kanyang operational na butas ‘e dahil todo-todo ang proteksiyon sa kanya ng isang local government official.
‘Yun bang tipong protek-TODO talaga!
Kamakalawa, ipinag-utos ni Manila Police District director, Chief Supt. Rolando Asuncion ang pagsalakay sa isang butas ng bookies, EZ2 at lotteng ni ‘Boy Abang’ sa bahay mismo ng sinasabing pamangkin na pulis na isang PO2 Rolando Simbulan, nakatalaga sa NCRPO RPHAU.
Ang inutusan ni DD Asuncion ay kinilalang sina Insp. Arial del Rosario, PO1 James Poso, PO3 Adonis Aguila at PO2 Elmer Revita, nakatalaga sa MPD General Assignment Section.
Dakong 9:45 a.m. nitong Biyernes, sinalakay ng mga kagawad ng MPD-GAS ang bahay ni Simbulan sa 1411-B Sevilla Extension kanto ng Concha St., sa Tondo.
Napasok ng mga pulis ang bahay ng maintainer ng illegal gambling at nahuli ang limang personnel pero nang sila ay lalabas na upang dalhin kay MPD chief ang mga inaresto, hindi na sila nakalabas ng bahay ni PO3 Simbulan dahil ikinandado ang pintuan.
Dalawang oras pa umanong nabinbin ang mga pulis sa loob ng bahay ng ‘gambling lord’ at nakalabas lang nang atasan ni DD ang District Special Operation Unit at SWAT na buksan ang pintuan sa pamamagitan ng bolt cutter.
Mantakin ninyo kung gaano kalakas ang loob ng isang katulad ni Boy Abang.
Hindi pa ‘yan, agad nag-call a friend ang barangay official na nagbibigay ng protek-TODO kay Boy Abang sa kanyang immediate boss na taga-City hall umano.
Pero walang nagawa dahil nga ‘UTOS NI DD.”
Ang naging solusyon na lang umano ni barangay official, nagpadala ng limang barangay tanod at ‘yun ang ipinalit-ulo sa nahuling mga personnel ni Boy Abang.
At ayon sa ating very reliable source with matching P50k daw para kay barangay official ‘yang palit ulo na ‘yan.
Tsk tsk tsk …
MPD DD Asuncion, mukhang napalusutan ka pa ni Boy Abang at ng barangay official na nagbibigay sa kanya ng protek-TODO!
Hahayaan mo na lang ba ‘yun?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com