Tuesday , December 24 2024

Zaijian, may leukemia

ni Pilar Mateo

SA katatapos na very successful at star-studded event ng Philippine Entertainment Portal (PEP.PH) na nagbigay ng kanilang standouts of the PEP List 2013, itinanghal sa Editor’s Choice Category Winners na TV Show of the Year (Weekend) ang MMK (Maalaala Mo Kaya) ng ABS-CBN.

Kaya naman patuloy pa rin ang pangako ng ‘tahanan’ ng mga tagasubaybay nito na magpapatuloy pa rin ang paghahatid ng mga istoryang lalo pang magbibigay inspirasyon mula sa longest drama anthology sa Asya.

Ngayong Sabado, Mayo 24, istorya ng isang ina ang aantig sa damdamin ng mga manonood. Kung paanong para maibsan ang paghihirap ng kanyang anak na may leukemia, isasakripisyo niya ang kapakanang pangkalusugan ng iba pa niyang mga anak. Sila ang kinakailangang maging bone marrow donor ng kanilang kapatid.

Hanggang saan hinarap ni Julie ang hamon ng buhay? Gagawin niyo rin kaya ang naging desisyon ng ina para sa kanyang anak?

Sunshine Cruz portrays Julie’s character with Zaijian Jaranilla, Dominic Ochoa, Lui Manansala and Biboy Ramirez. Sa direksiyon ni Emmanuel Palo!

THERE WAS NEVER AN US! LINE SA MAYBE THIS TIME, NAG-TRENDING

“PENGE’NG passes, ha?”

Madalas na naming marinig ito sa kakilala kong sales lady sa National Bookstore sa Ali Mall na si Mayeth lalo na kung ang pelikula eh, ang paborito niyang aktor na si Coco Martin ang bida.

Tried and tested na naman ang ganitong mga request ng mga tagahanga na madalas nga, wala pang playdate, nangunguna ng magsabi ng intensiyon nilang mapanood ito.

Op kors, hindi man sila mabahaginan ng passes na inaasahan nila alam mong manonood at manonood sila ng pelikula ng idolo nila.

Isa pang gauge, ‘pag nagkakagulo rin ang pulutong ng mga grupo ng mga tagahanga at nagiging aligaga para magkaroon sila ng mga block screening nila. Talagang they will move heaven and earth para suportahan ang mga idolo nila.

Eto na ang Maybe This Time ng tambalang natunghayan na sa telebisyon at nasa big screen na, sina Sarah Geronimo at Coco nga.

Ang trailer-hit and miss din ‘yan sa kung paanong tatangkilikin ng mga manonood ang pelikula. Sabi nga natin, wise na ang mga ito. ‘Di na mabibilog pa ang mga ulo.

Unang ratsada pa lang ng mga linyang, There was never an us! na pareho nilang binigkas eh, nag-trending na sa social media.

Ano ang naghihintay sa kakaibang kilig ng dalawang umakyat na ng level sa pagiging mature nila sa mga katauhang binubuhay nila?

Sa first day of showing ng pelikula ko nanamnamin ang mga palitan nila ng mga linya. Na daragdagan pa ng intrimitidang karakter ni Ruffa (Gutierrez).

Para lang there’s more to what you’ve seen in Coco sa mga ginampanan na niya sa telebisyon sa ise-share niya sa katauhan ni Tonio sa Maybe This Time! And some of these maybe his unguarded moments in front of the cameras kaya siguro kampante siya sa lahat ng naging galaw nila ni Sarah under Jerry Lopez Sineneng’s guidance!

Ay! Basta tutuklasin ko ‘yan kaya samahan natin ang isa’t isa this time sa mga sinehan sa Mayo 28!

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *