Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sheryn Regis, inakusahang ‘user’ ng karelasyong babae

ni Alex Datu

MEDYO nabago ang episode ng aming programang Laughingly Yours Ms Mimi over DWIZ 882 AM Band (Monday-Friday 10:00-p.m.12:00 a.m.) dahil noong gabi ng Miyerkoles, May 21 ay naging seryoso ang konsepto ng aming show na isang comedy bar on air.

Ang pangyayaring ito ay may koneksiyon sa pagkaroon namin ng isang guest named Emy Madrigal na very fresh from her trip from Oregon, Portland, USA.

Si Ms. Madrigal na hanggang ngayon ay may relasyon pa sa mang-aawit na si Sheryn Regis na nagsabing, kailangan niyang magsalita sa publiko para bigyang babala ang ibang Eba na puwedeng malapitan ng singer at mapa-ibig at pagkaraan ay sobrang magamit.

Aniya, panahon na para malaman ang tunay na pagkatao ng mang-aawit dahil sa parte niya ay masyado siyang sinaktan emotionally kaya nagkaroon siya ng iba-ibang karamdaman tulad ng cervical cancer.

Inamin nito na nagkaroon sila ng relationship ni Sheryn simula noong 2005. “Actually, 2005 parang MU and then, parang kami na, 2011. Before ay magkakilala na kami rito pa lang sa atin, sa ‘Pinas at nakilala ko siya through my daugther dahil idol siya ng anak ko. Hanggang nagkagaanan kami ng loob. Nagtungo siya ng States at naroon din naman ako. Everytime na nalulungkot siya, siyempre ako naman sabe ko, nandito lang ako kasi ‘mommy’ before ang tawag niya sa akin. Pero alam ko na may gusto na siya sa akin noon pero hindi ko pinapansin ‘yun. Kasi ang turing ko lang sa kanya noon, anak.

“Ako naman, kasi kilala ko na siya eh, kahit hindi siya nagsabi sa akin kung anong klaseng tao siya.  Ramdam ko na at sinabi niya sa akin na gusto niya akong maging lover. Sa akin naman, okey lang naman dahil gusto ko naman suportahan siya.”

Inamin nito na taong 2011 sila naging official lover ng mang-aawit at hanggang ngayon ay magkarelasyon pa rin sila pero si Sheryn ang kusang lumayo sa kanya. Ang ibinigay na dahilan nito ay gusto nang ituwid ang kanyang buhay dahil isa siyang married woman at mayroong anak.

Sa pag-uusap nila noon ay sinabi ni Emy kay Sheryn na may nababalitaan siya na may ibang karelasyon ito na relative ng asawa ni Sheryn. Inamin naman ito ng huli at 2007 pa pala sila magkarelasyon.

As of this writing, tatlong linggo lang ang nakaraan ay umuwi from the States si Emy para maka-usap si Sheryn na aniya ay pinagtataguan siya.  Sa kanilang pag-uusap, inamin ni ni Sheryn na gusto na nitong makipaghiwalay dahil may karelasyon na siyang iba.

Aniya, “Hindi ako makikipag-hiwalay dahil alam ko na magkasama sila sa isang bahay. Actually, gusto ko siyang i-give up kapag i-give up niya ‘yung isa kasi ang gusto niya, maging straight ang buhay niya. Sabi ko, kung gusto mong maging straight ang buhay mo, mag-iba ka ng bahay at mag-give-up ako.”

Sa puntong ito ginawa ni Ms. Emy ang expose para mabigyan siya ng hustisya dahil sa sobra sakit na naramdaman niya sa panggagamit sa kanya ni Sheryn. Nais ni Emy na itrato siyang mabuti, harapin siya, makipag-usap sa kanya ng maayos dahil pinagtataguan siya nito. “Ginawa niya ako kumbagah, tanga. Kasi ako, tinrato ko naman siyang isang tao. Makatao akong minahal ko siya. Makatao akong humarap sa kaya. Maka-tao akong nakinig kung ano ang mga problema niya kaya dapat makatao rin ang trato niya sa akin.”

Sa ngayon, handa niyang harapin kung ano mang legal action ang ihahain ng kampo ng mang-aawit laban sa kanya.

“Handang-handa ako kasi ako ang nasasaktan. Ako ang taong sinasaktan eh. Kaya, I am ready at alam ko kung ano ang isasagot ko.”

Sinabi pa ni Ms. Emy na nararapat lang ang ginawa niyang pagbubulgar sa isang katulad ni Sheryn. “She deserved it. Kung masira man siya, she deserved it. Hindi siya tao, wala siyang puso. Yes, user siya. Papaasahin niya ang isang tao, sabi niya mahal niya, after that, parang wala na lang. Ganoon lang kadali sa kanya. Ang pera madali naman hanapin pero ang pusong nasasaktan, mahirap talaga,” giit pa ni Emy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …