Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ms. Philippines Earth sa Gandang Ricky Reyes

HUWAG kaligtaang tutukan ang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. sa GMA News TV.

Parada ng mga kagandahan ang magaganap kaya nga ang episode ay may titulong Flawless de Mayo. Bisita ni Mader Ricky ang nagwaging 2014 Miss Earth Phippines na si Jamie Herrel at iba pang finalist tulad nina Miss Earth Philippines Air Dianne Querrer, Miss Earth Philippines Water Kimberly Coveret, Miss Earth Philippines Fire Bianca Paz, at Miss Earth Philippines Eco-Tourism Monique Manuel.

Sa panayan sa kanila ng beauty guru ay malalaman natin kung ano-ano ang kanilang beauty secrets at paraan para mapanatili nila ang angking alindog para maging karapat-dapat sumali sa mga beauty pageant.

May iinterbyuhin din sa programa na mga uminom ng Acai Berry Food Supplement mula USA. Natuklasan ng mga gumamit nito na ang katas ng prutas na ginamit dito’y anti-oxidant at malaki ang naitutulong para malinis ang bituka.

‘Pag ganitong tag-init ay maraming sakit sa balat ang nakaiirita sa atin.  May ibibigay na tips si Mader kung paano maiiwasan at malulunasan ang mga pesteng skin disorder tulad ng taghiyawat, bungang araw, acne, at pekas.

Para sa usapang pangkagandahan at kalusugan’y saan pa kayo?  Siyempre sa GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …