Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mr. Tatler kinailangan ng alarm clock

Ayon sa aking mga nakausap  na BKs sa ilang OTBs at maging sa website ng mga karerista ay sobrang hirap na talagang makipagsapalaran sa karera ngayon, lalo na kung ang koneksiyon ay naghahari sa isang pista na gamit ang iba’t-ibang pangalan pero iisa lang ang may-ari na nasa likod.

Gaya na lamang nung isang beteranong klasmeyt natin na  nakatabi ko sa OTB nung isang gabi. Una ay akala niya na maitutuloy ang pagpapanalo dahil nanalo sa unang takbuhan ang kabayong si Kristal’s Beauty, pero nung nabigong manalo ang kabayong sina Super Charge, Salvatore at ang ibinibidang si Sharp Cookie ay pati iyong super mega outstanding favorite na si Mr. Tatler ay tila idinamay na rin.

Sa parada pa lang ay nakaramdam na sila na alanganin na ang kanilang nakita sa normal na senyas nung hinete at maging sa hitsura ni kabayo habang hatak-hatak ng sota. Kaya kahit pa solong puro nila sa Pick-6, Pick-5 at DD ay hindi na sila tumaya pa dahil mukhang kinailangan ng alarm clock upang magising si Mr. Tatler.

Kaya ingat at alalay sa mga mapanamantalang koneksiyon sa kanilang pista.

Fred L. Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …