Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maricel, masaya na pumirma ng kontrata sa GMA

 ni Rommel Placente

AYON kay Maricel Soriano sa interview sa kanya ng PEP.ph, masaya siya sa naging desisyon niyang pumirma ng contract sa GMA 7para sa teleseryeng pagbibidahan niya, ang Ang Dalawang Mrs. Real kasama sina Dingdong Dantes at Lovi Poe.

”I’m proud and I’m very, very happy.  ‘Yan ang tagline ko rito. I’m happy. Hindi ako nagkamali,” sabi ni Maricel.

Katunayan, nagkuwento si Maricel na wala silang naging problema sa mga nauna nilang tapings para sa kanilang serye.

“Alam mo  ‘yan, ‘pag may problema, hindi masyadong nagsasalita si Mary (palayaw ni Maricel). May inhibitions. Wala masyadong dialogue. Nagtitipid. Hindi ako nagtitipid ngayon,walang ganyan. Wala akong problema. Halata naman,” aniya pa.

First time ni Maricel na makatrabaho si Dingdong at puring-puri niya ito.

“Si Dingdong professional siya at magaan katrabaho Napakabait na bata ni Dingdong. Wala akong masasabi sa kanya Mahusay, nanduroon siya, kitang-kita ko sa mukha na focused siya sa eksena.”

Gwapo si Dingdong pero hindi nakaramdam ng physical attraction dito ang Diamond Star.

“Hindi ko siya type dahil sumobra ang pagiging magandang lalaki nito.  Prangkahan tayo. Gugustuhin ko ba ang isang taong mas maganda sa akin sa gabi?” pabirong sabi pa ni Maricel.

Bilang artista, sinisiguro ni Maricel na hindi raw hahaluan ng malisya ang love scenes nila ni Dingdong at ang laging pinaghuhugutan niya raw ng emosyon ay ang kanyang character bilang si Milette.

“Ayokong tingnan ang mga panga at mga kanto. Hindi ko gusto ‘yan.  Pero pagdating sa ano, alam namin ang ginagawa namin, umaarte kami rito.22 Ginagampanan namin ang bawat character. Kasi kapag nasa eksena, ibang tao ka na. Kaya kami bayad. Wala kaming kilig factor. Kapag hinahagod ka,  ‘Hanggang diyan ka lang, ‘wag kang gagalaw. Bawal. Ayaw ni Milette. Kasi hindi ka si Marya. Si Milette ka.’”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …