ANG crystal balls ay man made mula sa crystals na mula sa pagmimina sa maraming bansa, mula sa Brazil hanggang India.
Sa feng shui, ang crystal balls ay ginagamit para magdulot ng harmonious, calming energy sa ano mang lugar. Kung ang bahay ay maraming nagaganap na mga argumento, ang clear quartz crystal ball ay dapat ilagay sa living room para malinis ng enerhiya. Ang crystal balls ay maaari ring gamitin sa negosyo para mapabana-yad ang magulong competitive energy at upang higit na maging produktibo.
Upang mapalakas ang po-wer ng crystal ball sa inyong feng shui applications, maaaring gumamit ng iba’t ibang crystals, katulad ng rose quartz, citrine, amethyst, o clear quartz.
Ang black obsidian sphere ay magdudulot ng very strong, grounding energy (mainam sa negosyo), habang ang rose quartz crystal ball ay lilikha ng banayad, mapagmahal at mapag-arugang enerhiya (mainam sa bedroom o children’s room).
Saan mai-nam ilagay ang crystal ball para sa good feng shui?
Depende sa inyong pa-ngangailangan, ilagay ang crystal ball sa erya na kai-langan nang higit na harmony, light at fresh energy.
Mainam ilagay ang crystal ball sa sumusunod na bagua areas ng inyong bahay:
*Love and marriage area (Southwest)
*Personal growth and self-cultivation area (Northeast)
*Children and creati-vity area (West)
*Heart of home (Center)
Maraming klase ng crystal ball, ang clear quartz, smoky quartz, black obsidian, rose quartz, citrine at amethyst ang pinaka-popular.
Maaaring pumili ng crystal na inyong magugustuhan, o basahin ang mga katangian ng specific crystal at pumili ayon sa inyong pangangailangan.
Lady Choi