Friday , December 27 2024

Dumarami ang cops cum collectors ng tong sa MPD

KAPAG hinigpitan ng pulisya ang kampanya laban sa ilegal na sugal sa lungsod ng Maynila, hindi nangangahulugan na masidhi ang hangarin nilang masugpo ang talamak na sugal.

Ang simpleng explanation dito, ang hangaring palakihin lang ang quota ng cobranza sa ‘intelihensiya’ linggo-linggo.

Alam mo ba ito MPD DD General Rolando Asuncion?

Let us give General Asuncion the benefit of the doubt. Baka naman talagang gusto ng butihing heneral at hepe ng Manila Police District (MPD) na lipulin ang illegal gambling sa kanyang AOR ngunit marami pa rin siyang bitbit na ‘pabigat at pasaway’ na opisyal na sumasabotahe sa kanyang malinis na layunin.

Sino-sino nga bang mga pulis ni Gen. Asuncion ang tila mas mahal ang kuwarta kaysa tsapa?

Bigyan natin ng konting ideya si General Asuncion sa ‘rough estimate’ ng pera (intelihensiya) na pumapasok sa kaban ng MPD linggo-linggo.

1. Barbosa PCP-P150K na ang kolektor ay si Albert.

2. DIDM-P50K

3. DID – P150k  na ang mga kolektor ay sina Ken-Ken at Jun Diabetes na pawang ‘tao’ nina Tata Gerry Santos at Tata Obet Razo.

4. 50K  na galing sa kolektor na si Owen at P30K mula kay Melad

5. CIDU/Enforcement – P125K  galing sa koleksyon ng pulis na si alyas Cocoy

6. CIDU – Monitoring – P50K  na isang Ranse ang nangongolekta

7. STF-P75K na mula sa kolektor ni Tata Boy Wong na si Jack

8. CIDG-NCR -P75K galing kina  Gani at Erwin na tao ng pulis na si  Allan Mendoza

9. STG-DB- P150K  mula naman kay alyas  Rey

10. DPIOU Reaction Unit -P50K

11. DPIOU- P100K na galing naman sa  koleksyon  nina Ricky at Mike.

Suma-total Gen. Asuncion, 11 pasaway na units mo diyan sa headquarters at isang PCP at sa mismong city hall ang hilo sa pag-ikot linggo-linggo para sa koleksyon ng tarya.

Hindi pa po kasali diyan ang mga nasa presinto na umano’y may quota rin iniipon ang mga station commander para sa ‘DIYOS’ sa MPD Headquarters.

Hindi po natin sinasabi na para sa inyo po Gen. Asuncion ang quotang sinisinop weekly ha?

Ipinaaalam lamang po ng pitak na ito para sa inyong kaalaman sir!

Hindi na tayo nagtataka kung bakit talamak sa siyudad ni Mayor Erap ang bookies sa karera, lotteng, Jueteng at VK.

Lalo na ang 1602 nina BOY ABANG, PERRY at ANNA!

STL CUM JUETENG

NI BONG PINEDA

AT ANG INUTIL NA

GAB-ANTI ILLEGAL

GAMBLING TASK FORCE

TAMEME ang administrasyong  Aquino at ang mga ahensiyang dapat sana’y susugpo sa talamak na ilegal na sugal sa buong kapuluan partikular na ang jueteng.

Hindi tumitinag ang Philippine National Police (PNP) dahil tila nakikiramdam si General Alan Purisima sa tunay na stand ng kanyang boss na si Interior Sec. Mar Roxas.

Galit si Roxas sa operasyon ng Bingo Milyonaryo na aprubado ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) dahil identified ang kompanyang COMNET na nakakuha ng prangkisa ng nasabing sugal kay Tonyboy Cojuangco na kaalyado ni VP Binay.

Okay kay Mar Roxas ang STL kahit pa nga prente ito ng jueteng dahil ito ay pinapatakbo ng network ni BONG PINEDA na isa sa campaign contributor/donors ng Liberal Party.

Panabay nito ang direktang pamamahagi ng ‘payola’ sa matataas na opisyales ng PNP maging sa lokal na pamahalaan.

Ilan sa mga kilalang jueteng operators na lantaran at untouchable ang operasyon ay sina TONY ‘BOLOK’ SANTOS, DON RAMON. TITA ng Laguna, JOY ng Parañaque City . LUDING BONGALING, BOY AQUINO at EDWIN OLAZO, KABAYO GONZALES.

Nakapasok na rin umano ang virtual 2 jueteng dito sa Metro Manila na kataka-takang hindi alam ni NCRPO Director Carmelo Valmoria.

Nakanganga rin ang liderato ng Games and Amusement Board (GAB) ni Chairman Juan Ramon Guanson at ang Anti Illegal Gambling Unit nito na pinamumunuan ni Atty. Ermar Benitez.

Hindi makakilos ang lahat ng law enforcement units laban sa ilegal na sugal dahil na rin sa isa na itong political issue.

‘So if you cannot beat them, you might as well join them.’ Ito na marahil ang lohika  na pangangatwiran ng buong pulisya patungkol sa jueteng at ilegal na sugal.

Eto po mahal nating mga kababayan ang tunay na kahulugan ng “DAANG MATUWID!”

Ang lokohin at linlangin ang taongbayan!

May kasunod … ABANGAN!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air “Monday – Friday 2:00 – 3:00 pm. mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About Rex Cayanong

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *