Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Batchmates, may angas at lambing ‘pag nagpe- perform

ni Letty G. Celi

TWO weeks ago, first time palang na humarap sa entertainment press ang grupo ng mga sing and dance beauties na Batchmates. Ito ay binubuo nina Cath, Marie, Jonah, Sophie, Vassy, at Aura.

Take note, ang gaganda nila, ang se-sexy, flawless at kitang-kita ang kaputian at kakinisan.

Sabagay sa panahon ngayon, sa pagsulpot ni Dr. Vicky Belo, ang ibang mga dermatologist na may mga pakulo rin sa showbiz, wala nang pangit, mayroon lang mahirap dahil hindi afford ang mga treatment.

Pero ibahin mo itong mga dilag ni Inang Lito de Guzman, kahit hindi raw magpalinis ng balat ay likas na maputi at makinis ang balat, kumbaga, inborn at nasa kanila na ‘yun kung gusto pa rin nilang magpaganda pa, kailangan din naman kasi iyon sa kanilang propesyon.

Yes, first time to face the entertainment press ang mga Batchmates dahil promo para sa kanilang new album, first and self-titled. May kiliti at mapapa-indak ka sa lahat ng songs nila. Bata, matanda, kekembot ang pwet sa musikang Feel Like Dance (Revival), Boom, Boom, Para Boom, Di Na Mahal, Giling, at ang Hora na pawang komposisyon ni Mr. Kazuhiro Watanabe na composer din ngMYMP. Ang ibang Tagalog songs ay mula kay Blanktape na kilala sa kantang Jejemon at Chika lang yon.

Itong “New Breed of Filipina Performers,” na Batchmates ay hataw sa performance nila sa iba’t ibang venue, especially sa Padis Point at somewhere sa Singapore & Malaysia na sikat na sikat sila. Dahil the way they sing, umaalog ang dibdib at umiikot ang balakang. Pero hindi sila tipong bastusin. May angas at lambing kapag nasa harap na ng audience kaya sila kinagigiliwan.

Alam mo naman ang manager nila na si Lito,  kapag nag-alaga, pipigain niya talaga lalo na’t alam niyang may mararating. Walang humpay ang kanilang ensayo pati behavior ay itinuturo ni LDG & his staff.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …