Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Armie Zuñiga, ang soloista ng Nonoy Lopez and His Orchestra, pinalakpakan ng mga madre

ni Art T. Tapalla

Humahataw ang mahusay na singer na si Armie Zuñiga, ang soloista ng Nonoy Lopez and His Orchestra.

Mula nang maging front act siya ni Marco Sison sa Balai Isabel sa Talisay, Batangas para sa reunion ng mga nagtapos sa Quezon City Medical Center School of Nursing (1976) sa imbitasyon ng manghuhula si Madam Suzette Arandela, hindi na mapigil ang paghataw (tulad ng d’yaryong ito na Hataw) ni Armie.

Giliw na giliw nga ang mga graduates ng QCMC na ngayon ay Citi College na pagkanta ni Zuñiga lalo na nang humataw siya ng kanilang mga paboritong “You Don’t Have To Say You Love Me,” “Crazy” at marami pang iba.

Kung hindi lang kailangang tawagin na ni Rudy Supnet si Marco para kumanta, hindi titinag ang audience sa paghanga sa magandang mang-aawit na paborito laging i-guest ng presidente ng Famas na si Eloy Padua sa “Tsismax” sa Global News Network o GNN tuwing Biyernes.

***

Nang mag-audition sa Skydome si Armie para sa “Obispo,” ang stage musical na halaw mula sa buhay ni Archbishop Alfredo Versoza ng Lipa City (1920s) na nilikha ni Frank G. Rivera ang libretto mula sa direksyon ni Joey Nombres, nagpalakpakan ang mga madre na naroon sa audition.

Kinanta ni Zuñiga ang “The Prayer” at ang kanyang ka-duet ay ang invisible na singer mula sa CD.

Nasa audience ng mga sandaling ‘yon ang peryodistang pampelikulang si Dennis Adobas at ang beteranong aktor na si Ernie Garcia.

Abala na ngayon si Armies a rehearsal ng nasabing musical.

***

Samantala, sinubukan din ni Zuñiga ang kanyang kapalaran sa audition ng “A Mother’s Soul,” isang stage musical na halaw sa buhay at pakikipagsapalaran ng dating unang ginang na si Imelda R. Marcos mula sa panulat ni Francis Tanseco.

Si Ronnie del Barrio, isa sa mga produkto ng “Miss Saigon” sa West End sa London na siyang nakatakdang magdirek ng dula, ang nakinig kay Armie.

Inawit ng singer ang “Gaano Kita Kamahal” at “Memory” at matamang nakinig sa kanya sina Francis, Ronnie at Maritess Anino, ang composer ng musical.

Inaasahang isa si Armie sa mahalagang cast sa nasabing stage musical.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …