Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 pulis-MPD ini-hostage sa bahay ng gambling lord

APAT kagawad ng Manila police  ang ini-hostage  ng mga tauhan ng gambling lord na nag-o-operate sa Lungsod ng Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga kagawad ng pulisya na sina Insp. Arial del  Rosario, PO1  James Poso, PO3 Adonis Aguila at PO2 Elmer  Revita, nakatalaga sa MPD General Assignment Section.

Nabatid, inatasan ni MPD Director Rolando Asuncion  ang hepe ng MPD-GAS na hulihin ang illegal operation ng lotteng at EZ2  bookies ni PO2 Rolando Simbulan, nakatalaga sa NCRPO RPHAU, at pamangking-buo  ni Boy Abang, ang maintainer ng illegal  bookies ng karera sa  anim na distrito ng lungsod.

Dakong 9:45 a.m. kahapon, sinalakay ng mga kagawad ng MPD-GAS  ang bahay ni Simbulan sa 1411-B, Sevilla Extension kanto ng Concha St., Tondo.

Napasok ng mga pulis ang bahay ng maintainer ng sugal at nahuli ang limang personnel pero nang sila ay lalabas na upang iharap sa MPD chief ang mga inaresto, hindi na sila nakalabas ng bahay ni PO3 Simbulan dahil  ikinandado ang pinto.

Dalawang oras nabinbin ang mga pulis sa loob ng bahay ng gambling lord  at nakalabas lang nang atasan ng MPD chief ang District Special Operation Unit na  buksan ang pintuan sa pamamagitan ng bolt cutter.

Kaugnay nito,  ayon kay PO1 Poso kakasuhan nila ang mga sangkot sa pagpa-padlock sa bahay ni PO3 Simbulan.

Isinusulat ang balitang ito, inihahanda na ng MPD-GAS ang after operation report at rekomendasyon laban kay Simbulan at mga tauhan na isusumite sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU).

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …