Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aljur Abrenica tuluyan nang inayawan ni Kylie Padilla (Sobrang chickboy kasi)

ni Peter Ledesma

Si BELA PADILLA na mismo ang nagkompirma na hiwalay na ang pinsan niyang si Kylie Padilla sa boyfriend na si Aljur Abrenica.

Ilang weeks na raw kasing nakabalik ng bansa si Kylie pero hindi pa nakikipagkita kay Aljur kaya malakas ang kutob ni Bela na tinapos na ng pinsang young actress ang relasyon sa hunky actor. Well walang nabanggit si Bela kung ano ang naging cause ng break-up ng dalawa dahil wala naman naikukuwento sa kanya si Kylie. Pero ang tiyak tayo, malaking factor ‘yung pagiging Chickboy ng ex na napabalita nga na nakipag-date sa kanyang leading lady sa teleserye na si Louise delos Reyes.

Mabilis raw na nakarating kay Kylie at ‘yun ang nag-trigger sa anak ni Robin Padilla para kalimutan na si Aljur. Saka, before pa, may naririnig na ang actress na hindi faithful sa kanya ang ex-boyfriend pero dahil mahal niya ay nagbulag-bulagan na lamang siya. Hindi na bago ang balitang ‘yan dahil noong time na hindi pa sikat ang lalaki ay talagang mahilig na siya sa girls, at siyempre marami ang papatol sa kanya dahil guwapo at maganda ang pangangatawan.

Kahit nga mga bading ay naglalaway talaga sa actor pero mukhang mailap raw sa third sex. ‘Di ba paulit-ulit niyang itinatanggi na wala siyang gay benefactor dahil hindi niya tipo ang pumatol sa ganyan.

By the way, sana ay mapanindigan na ni Kylie ang kanyang naging desisyon, kasi baka paggising natin isang araw ay sila na naman uli ni Aljur. Ilang beses na kasi silang nagkatampohan noon ng sexy actor pero mabilis naman niya itong napapatawad. Masaya pala si Binoe sa naging desisyon ng kanyang daughter dahil mula’t -mula pa lang ay hindi na naging pabor kay Aljur.

Ay ay ay Pag-ibig gyud!

“WANSAPANATAYM,” MAPAPANOOD NA TUWING LINGGO

Simula ngayong Mayo 25, mapapanood na ang ‘original storybook ng batang Pinoy’ na “Wansapanataym” sa bagong araw, Linggo, tuwing 6:45 pm. Sa pagpapatuloy ng “Wansapanataym Presents My Guardian Angel” ngayong Linggo, lalong magiging komplikado ang samahan ng mga karakter nina Andrea Brillantes at Raikko Mateo ngayong matutuklasan na ni Ylia (Andrea) na may super powers si Kiko (Raikko). Aaminin ba ni Kiko kay Ylia ang sikreto ng kanyang pagkatao kahit kapalit nito ay ang pagkawala ng kanyang kapangyarihan bilang anghel? Tampok din sa ‘My Guardian Angel’ sina Mylene Dizon, Ejay Falcon, Ketchup Eusebio, Ruby Rubi, Gerard Pizarras, Abby Bautista, Racquel Pareño, Lui Villaruz, Dale Badillo, Jovic Susim, at Vangie Martell. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksyon ni Jon ‘Sponky’ Villarin. Huwag palampasin ang “Wansapanataym” ngayong Linggo, 6:45 pm, bago mag “The Voice Kids” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Marian Rivera, Dagdag Saya

Sa “Juan For All” Sa Eat Bulaga

Simula noong Lunes ay mas lalong sumigla ang mga Barangay na pinuntahan nila Dabarkads Jose, Wally at Paolo Ballesteros. Hindi lang kasi sila ang nasilayan ng mga Dabarkads sa lugar kundi ka-join rin ng tatlo ang Primetime Queen ng GMA 7 na si Marian Rivera. Yes, game na game na nakipag-chikahan at nakipagsayawan si Marian sa mga napiling winner sa sugod-Bahay sa Barangay. At tulad ni Bossing Vic Sotto at ng Eat Bulaga na namimigay araw-araw ng Passbook at ATM sa Bossing Savings Bank katuwang ang BPI Globe Banko, puhunan sa negosyo at iba’t ibang premyo tulad ng bagong-bagong motorsiklo mula sa Motortrade. Nagkawanggawa rin si Marian at ibinigay talaga ang relong Hello Kitty na regalo sa kanya ng boyfriend na si Dingdong Dantes kay Aling Perlita na winner nila noong araw na ‘yun sa Brgy. 66 Zone 83, San Andres Bukid Manila. Hind lang ‘yan, may pakimkim pang cash ang magandang aktres, kay Ginang Perlita na pandagdag puhunan para sa ipatatayong maliit na negosyo. Nauna na siyang pinagkalooban ng P45K ng Eat Bulaga at masyang-masaya ang ale sa mga suwerteng nakamit. Maganda pala ang feedback sa pag-apir ni Marian sa “Juan For All, All For Juan” at ang hiling ng maraming Dabarkads sana ay regular na nilang mapanood sa Bulaga ang iniidolo nilang actress.

Why not gyud!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …