Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice, sinisiraan daw si Vic sa FB?!

 

ni Alex Brosas

MAY bagong paninira kay Vice Ganda. Kumakalat ngayon sa internet ang video post sa Facebook na talaga namang pilit na sinisira si Vice Ganda kahit na wala namang basehan.

“VICE GANDA SINABIHANG LAOS AT INUTIL si VIC SOTTO on AIR!”. Yan ang very screaming title ng video na aming nakita sa Facebook.

Actually, isa lamang itong scam dahil nang i-try naming buksan ang video ay hindi naman ito ma-open. Maging ang mga taong nag-try magbukas nito ay wala ring napala.

Unang-una, bakit naman lalaitin ni Vice si Vic? Hindi siya bobo para magpakuha ng video na nilalait niya ang kapwa niya komedyante, ‘no, and a veteran star comedian at that.

Kawawa naman ang naninira kay Vice Ganda. Parang wala silang maisip na magandang paraan upang maputikan ang name nito kaya nagpapalabas sila ng video na wala namang laman.

Wala ngang naniwala sa video.

“Hindi sasabihin ni vice yan idol nga nya c vic sotto imposible lakas makasira nito,” say ng isang guy.

“Scam yan ate,” sabi naman ng isa pa.

“Hindi yan totoo.. hahahha,” paniwala naman ng isang fan ni Vice.

Sino kaya ang nagpakalat ng video na ito? Wala siyang magawang maganda, ‘no?

Kris, ‘di totoong tumangging makasama si Derek?!

NAKAKALOKA ang isang has-been writer.

Todo-tanggol kasi siya kay Kris Aquino at todo-lait naman sa writers na nagsusulat ng nega about the Queen of Talk. Kung ano-ano ang itinawag niya sa detractors ni Kris, talagang nilait niya. Ang suma-total, inggit daw ang mga ito sa success ng ex-wife ni James Yap.

Tama naman ang halos lahat ng kanyang nasulat—na si Kris ang pinakamagaling na TV host, na siya ang number one endorser sa bansa, na siya ay super yaman na, na kumikita ang movies niya kahit na once a year lang siya gumawa.

What’s funny is that this writer-writeran had the temerity to say na si Kris daw ang tumangging makasama si Derek Ramsay sa isang movie.

Helllooooo! Tanga ba ang writer na ito? Hindi ba niya alam na nakipag-meeting pa nga si Kris para sa storycon? Kung hindi niya type si Derek, bakit pa siya a-attend ng meeting, ‘di ba?

Actually, siya pa nga ang nagpaalam sa bossing niya sa ABS-CBN kung puwede siyang payagang makagawa ng movie with Derek. Kaso, umayaw si Cory Vidanes. Sinabi niya ‘yan sa show niya, ‘no!

Naku, kung makapagtaray ang writer kuno na ito ay parang wala ng bukas. Parang siya ang pinakamagaling, eh, sa simpleng information pa lang ay hindi na niya maitama, ‘no!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …