Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

UCPB director resign (Graft vs PCGG dahil sa UST dean)

052314_FRONT

PINAYUHAN ni Atty. Oliver San Antonio, abogado at tagapagsalita ng National Filipino Consumers (NCFC)  si United Coconut Planters Bank (UCPB) board member na si Atty. Nilo Divina, ang kasalukuyang Dean ng UST Law Faculty, na magbitiw na lamang matapos mabunyag na kinuha rin external counsel ng nasabing banko sa dalawang kasong isinampa laban sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa isang hukuman sa Makati City.

“Marahil ay nakaligtaan ng UCPB board ang mga alituntuning etikal sa pagkuha sa serbisyo ng kapwa-kasapi dahil sa paniniwala nila sa kakayanan bilang abogado,” ayon kay San Antonio na isang dating propesor sa legal ethics.

Ngunit sa pahayag ni San Antonio, sinabi niyang “mas maiging papiliin na lamang ang UST Law Dean kung alin ang nais niyang papel sa UCPB,” upang matanggal ang anomang pagdududang dala ng pagkakakuha ng banko sa serbisyo ng Divina Law firm.

“Sa ipinakitang galit ng taong bayan sa Napoles case, hinihingi ng pagkakataon na ang mga itinalagang taong gobyerno ay umiwas sa anomang impresyon ng pagkatiwali, dahil hindi na muling palalampasin ng bansa ang pagpapayaman sa kapangyarihan,” paliwanag ni San Antonio.

Dalawang kasong sibil ang isinampa ng Divina Law sa hukuman sa Makati – ang una ay para sa UCPB laban sa Coconut Industry Investment Fund Oil Mills Group (CIIF OMG) at sa PCGG; at ang pangalawa ay para sa COCOLIFE laban sa Coconut Industry Investment Fund Oil Mills Group (CIIF OMG) at sa PCGG.

Ang mga petisyon ng UCPB at COCOLIFE ay humihiling sa hukuman na tukuyin nang tuluyan  kung ang parte ng P71 bilyon coco levy fund shares na nauna nang tinukoy ng Korte Suprema bilang pampublikong pondo at nasa pangangalaga ng UCPB ay pag-aari ng nasabing banko. Ang inaangking shares ng UCPB ay nagkakahalaga ng P15.6 bilyon.

Sa kaugnay na ulat, mariing tinutulan ng militanteng grupo ang aksyon ng UCPB sa coco levy fund na pagmamay-ari ng publiko. Ipinoprotesta ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at ng claimants movement na Coco Levy Funds Ibalik sa Amin (CLAIM) ang ‘di makatarungang pagsampa ng mga kasong ito lalo na ni KMP Chairperson Rafael Mariano na nagsabing ang mga hakbang na ito ng banko ay “lubos na di katanggap-tanggap.”

“Malaking insulto ito sa milyon-milyong maliliit na magniniyog sa bansa. Walang karapatan ang UCPB na angkinin ang kahit na isang kusing sa coco levy funds,” ayon sa lider militante.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …