Wednesday , November 6 2024

Sprint tournament

DALAWANG kabiguan kaagad ang sinapit ng Meralco Bolts sa unang tatlong playdates ng PLDT Home Telpad PBA Governors Cup.

Naungusan sila ng Barako Bull sa kanilang unang game noong Linggo. At noong Miyerkules ay dinaig sila ng Talk N Text, 105-99.

Ang Governors Cup ay tinaguriang isang ‘sprint’ tournament kasi maikli nga ang ang elimination round nito. oo’t pareho lang na siyam na games ang eliminations gaya ng nakaraang Commissioner’s Cup. Pero anim na beses sa isang linggo naman ang mga laro. Tawing Huwebes lang bakante ang mga teams.

So, napakahirap gumawa ng adjustments. Kung palpak ang import na nakuha, mahirap ding magpalit kaagad.

Iyan ang problema ng mga koponang maagang napagtatalo sa torneo.

Iyan ang puproblemahin ng Meralco ngayon.

Well, may pitong games pa namang natitira. Kero kahit paano ay nakakaramdam ng pressure ang Bolts. Hindi sila puwedeng matalo nang matalo dahil mahirap bumawi.

Sa totoo lang, ang unang dalawang games nila ay puwede sana nilang mapanalunan. Kulang lang sa endgame breaks at concentration ang Bolts.

Katulad na lang ng game laban sa Tropang Rexters.

Aba’y lamang sila ng limang puntos, 97-92 papasok sa huling dalawang minuto Puwede pa sanang umakyat sa pito kung maayos ang naging pasa ng import na si Terrence Williams kay Gary David. Pero hindi nasalo ang bola.

Hayun at nalimita na lang sa dalawang puntos ang Bolts hanggang sa dulo ng laro samantalang nakagawa pa ng 13 ang Talk N Text upang manalo

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *