Tuesday , December 24 2024

Saan Ka Man Naroroon Aking Mahal (IKA-34 labas)

MULI SILANG NABUO NI CARMINA KASUNOD NITO MULI NIYANG NASILAYAN ANG NGITI NI ALING AZON

Marahan kong ibinaling paharap sa akin ang kanyang mukha. “Ibig kong malaman ang sagot mo.”

May nangingilid na luha sa mga mata ni Carmina sa simula pa lang ng pagbuka ng kanyang bibig.

“A-ano ba’ng sabi ko sa ‘yo sa text no’n?”

Kabisado ko pa rin ang mga kahuli-hulihang mensahe na tinanggap ko mula sa kanya. .

“P-pero ‘yung pinakadulo ng text mo, mali ‘yun,” ang mariin kong banggit. “’Di ko maturuan ang puso ko na magmahal ng iba.”

“A-alam ko ‘yun… “

Walang sabi-sabing niyakap ko si Carmina. Mahigpit. Ramdam ko ang malakas na pagka-bog-kabog ng aming mga dibdib.

Pero kumawala agad siya sa aking dibdib.

“Ang tunay na buhay ay hindi rito sa lupa,” aniya na sa pandinig ko ay matalinghaga. “At wala rin sa mga bagay na panlupa ang tunay na kaligayahan.”

“Nasa’n?

“Nasa langit!” ang walang gatol na pagtiyak ni Carmina.

Wala akong naging anumang naging reaksiyon sa sinabi niya. Hindi man kinontra ay hindi ko rin naman ‘yun matatanggap basta-basta. At sa ganang akin, saka na ang panglangit, kasagutan muna niya ang gusto kong marinig.

“Tapatin mo ako…” pakiusap ko.

Biglang iniba na naman ni Carmina ang usapan.

“Makasama ko sana sa Bayang Banal ang mga mahal ko sa buhay,” usal niya sa himig panalangin. “’Yan ang tanging hiling ko sa Diyos. At ipinagpapanata ko ‘yan gabi-gabi.”

Napailing-iling ako. Ayaw magpakorner sa akin si Carmina. Nasa karakter ko pa naman ang pagiging isang makulit. Isang sagot para sa isang tanong. Pinilit ko s’yang pasagutin. “Mahal mo ba ako o hindi?”

Parang tsapter sa isang telenobela, isang traysikel ang pumara sa tapat ng bahay nina Carmina.

“Si Nanay na siguro ‘yan,” sabi niya nang iwan ako upang salubungin ang bagong dating.

Hindi agad umakyat ng bahay si Aling Azon. Pahiyaw na tinawag ang pangalan ng mga anak na sina Obet at Abigail.

Umaayos ako sa pagkakaupo. Nagpakapormal. Lumagok-lagok ng orange juice. Ang lamig ng inumin ay gumuhit sa aking lalamunan.

Binati ko ng “magandang gabi po” si Aling Azon. Ngumiti siya sa akin. Sa pagpasok ng matandang babae sa kabahayan ay dumiretso sa pinakakusina ng bahay.

(Itutuloy

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *