ni Vir Gonzales
SIYAM na taon na rin ang nakalipas noong huling magtambal sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban. Kamakailan, muli silang nagtambal sa Maalaala Mo Kaya sa ABS CBN.
Sa trailer pa lang, makikitang punompuno ng emotion ang kanilang pagganap. Dati kasi silang naging magkasintahan. Kaso, napakabata pa nila kaya’t naghiwalay.
Ngayon, kahit may kanya-kanyang pag-ibig na ang dalawa, okey lang ang mahalaga friends pa rin sila. Parehong epektibo umarte kaya’t kaabang-abang ang pagsasama ng dalawa.