Isang mas determinadong Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. ang makikipagbakbakan sa “Featherweight Fury” ng Top Rank Promotions sa Cotai Arena ng The Venetian Macao-Resort-Hotel na ipapalabas via special telecast ng ABS-CBN sa Linggo (June 1) ganap na 10:15 AM.
Hahamunin ni Donaire (32-2) ang kampeong si Simpiwe “V12” Vetyeka (26-2) para sa World Boxing Association (WBA) featherweight title ni Vetyeka. Isa ito sa tatlong featherweight title match na gaganapin sa pagbabalik ng Top Rank sa Macao.
Pinaghandaan ni Donaire ang nasabing laban sa tulong na rin ng kaniyang ama na nagpakilala sa kaniya sa mundo ng boksing. Malinaw na rin sa Pilipino ang tunay niyang hangad na maging kampeo muli matapos matalo kay Guillermo Rigondeaux at ang mainit na bakbakan nila ni Vic Darchinyan noong nakaraang taon.