ni Vir Gonzales
ANO ba ‘yon, marami ang na-turn off noong mapanood nila sa TV ang kutong gumagapang daw sa suklay na hiniram sa isang kontestant sa PBB.
Umano, hiniram ang suklay ni Alex Gonzaga at nang isauli na ay may nakitang kuto sa suklay. Nakaka-turn off tuloy sa mga kumakain.
Moral lesson sa eksena, hindi dapat ipinahihiram ang personal na gamit.
Napapansin namin sa mga kasaling bata sa PBB na parang may pagnanasa na sa isa’t isa. Kumbaga, nauuwi sa totohanan ang ligawan. Nagkakagustuhan.
Wala bang ibang idea na maipakikita sa PBB, kundi pagma-match sa mga ito na puwedeng maging magsyota?
Parang scripted din ang pag-uusap nila at mga ginagawa sa loob ng bahay. Libo-libo pa naman ang ipinakitang pila-pila para makasali sa PBB ’yun pala ang rekomendado rin ang mga makukuhang housemate.