Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diether, nabuburo lang sa ABS-CBN

ni Vir Gonzales

SAYANG naman si Diether Ocampo, nabuburo siya sa ABS CBN. Matagal-tagal na ring wala siyang project. Bakit ganoon?

Humakot din naman ng maraming pera si Diether noong panahon niya sa naturang network. Bakit ngayon, parang wala man lang nakakapansing magbigay ng project sa actor? Bakit nawala na ba angmagic ng actor?

KRIS, ‘DI NA TULOY SA MARATABAT

SI Kris Aquino pala dapat ang gaganap sa pelikulang Maratabat, directed by Arlene dela Cruz kaso hindi natuloy.

May mga sked kasi si Kris na tatama naman sa pagsyuting ng naturang pelikula, malayo kasi ang location shooting nito sa Maguindanao at Olongapo City pa.

Ukol sa buhay-buhay sa Mindanao ang ukol sa pelikula. Si Arlene ay isang radio reporter at reporter din sa Inquirer  at Bandera.

Iza, ok lang kahit 2nd choice kay Juday

WALANG pakialam si Iza Calzado kahit second choice lang kay Judy Ann Santos para sa isang project katambal si Piolo Pascual,ang Maria Leonora  Teresa, ang pamosong love doll noong araw nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.

Busy kasi ang schedule ni Juday kaya’t hindi ito natanggap.

Sayang, matagal pa naman sanang hindi nagkakasama uli sina Piolo at Juday. Suwerte ni Iza magandang proyekto ang napunta sa kanya.

Mercedes at Coco, dapat magsama muli sa isang pelikula

SANA si Mercedes Cabral naman ang makapareha ni Coco Martin na makapareha sa gagawing movie. Si Mercedes ang Prinsesa ng Indi films na madalas makatambal noon ni Coco.

Nanalo na ng award at napuri pa ang ganda ng Filipina actress. Suwerte ni Coco kay Mercedes dahil una pa lang namayagpag na sa indi films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …