Friday , November 22 2024

Batang Kalye (Part 24)

SA HULING SANDALI PARANG ‘DI MATAPOS ANG PANGAMBA PERO PAGKATAPOS NG 10, WALANG BOMBA

Makalipas pa ang ilang saglit muling tumawag kay SPO3 Sanchez si SPO4 Reyes na nagsabing, “Dalawang minuto na lamang ang nalalabi para ma-defuse ang bomba” sa katawan ni Kuya Mar.

Natahimik ang lahat. Narinig ko ang pag-usal-usal ng panalangin ni Ate Susan. Tulo-luha niyang hiniling sa Diyos na “Huwag po sanang ang bomba.”

Isa marahil ako sa mga nagbilang ng mga segundong lumilipas sa bawa’t pagtik-tak ng orasan. Kapag hindi na-defuse ang bomba, siguro’y mga sampung segundo na lamang ang nalalabi sa takdang pagsabog niyon sa katawan ni Kuya Mar. At nagbilang ako sa daliri: siyam na segundo… walo… pito… anim…lima… apat… tatlo… dalawa… isa…

Walang pagsabog na naganap. Napasigaw sa tuwa ang lahat. Pinakamalakas ang hiyaw sa paghagulgol ni Ate Susan na sinasambit-sambit ng mga labi ang pasasalamat sa Poong Maykapal. Kalong ang anak na si Lyka, sa labis na kagalakan niya ay tila nagkapakpak ang kanyang mga paa. Nakipag-unahan siya sa mga maykapangyarihan sa pagpasok sa loob ng bahay na bato. Kami man ni Joel ay napasunod sa mga tauhan ng pulisya, NBI at PDEA na humahagibis patungo sa kinaroroonan ni Kuya Mar.

Pumapasok kami ni Joel sa bahay na bato ay umaalingawngaw na sa buong paligid ang tugtuging “Crazy Five.” Kandaihit naman sa hagalpak na pagtatawa si SPO4 Reyes at ang pulis na nag-alis ng bomba sa katawan ni Kuya Mar. Tangan na ng dalawang tauhan ng pulis-ya ang kalas-kalas nang bahagi ng “bomba” – isang pekeng bomba na may nakakabit na de-bateryang transistor radio. Kaya pala kahit oras na nang pagsambulat niyon ay hindi ito su-mabog.

“Talaga palang napaka-praning mo. Muntik mo na akong patayin sa takot, a,” ang na-sabi ni SPO4 Reyes na malakas na tumapik sa balikat ni Kuya Mar.

Natawa lang si Kuya Mar na nakipagkamay kay SPO4 Reyes: “Pinabilib mo naman ako sa tapang mo, Sarge…… Kahit sa gipit na sitwasyon ay ‘di ka pala nang-iiwan ng kasama. Thanks, ha?”

Nang bitbitin ni Kernel Galang si Don Popoy palabas ng bahay na bato ay umugong ang mga bulong-bulungan at tawanan sa paligid:

“Bakit kaya basambasa ang pantalon ni Don Popoy?”

“Mukhang napa-jingle sa salawal, e…”

“At nangangamoy tatse rin…”

“Baka napaipot sa brief…”

Nakisingit si Ate Susan sa mga taga-PNP, NBI at PDEA na nakapaligid kina Kuya Mar at SPO4 Reyes. Buong higpit na niyakap at pinaghahagkan ni Ate Susan si Kuya Mar. Nag-unahang pumatak ang malalaking luha ng kaligayahan sa kanyang mga mata.

Napaiyak din ako sa tuwa. At taimtim akong nagpasalamat sa Diyos dahil hindi Niya pinahintulutang mapahamak si Kuya Mar at ang pinakamamahal nilang anak ni Ate Susan na si Lyka. Hindi nga ba’t bihira na lamang kasi ang tulad nina Ate Susan at Kuya Mar na may malasakit at pagmamahal sa kapwa? (Wakas)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *