MAY unusual assistant ang isang horse trainer sa equestrian centre sa Australia – isang asong border collie.
Sinabi ni Steve Jefferys, si Hekan – short for ‘He can do anything’ – ay “indispensible member” ng team ng Equestrian Excellence sa Melbourne.
Hinahawakan ng talentadong one-year-dog ang kabayo kabag may ikinakargang bagay, ipinapasyal habang nakatali, at tumutulong din siya kapag may ipinakukuha ang kanyang amo.
At higit sa lahat, marunong ding sumakay sa kabayo si Hekan.
“He’s an incredibly talented dog,” pahayag ni Jefferys. “He’s basically my secretary. He does that many things for me.”
Si Jefferys ay kilala bilang lone rider sa Sydney Olympics opening ceremony, na nakikipagkarera sa stadium bilang pagsisimula ng seremonya.
Sa kasalukuyan, sina Jefferys at Hekan ay bihasa sa pagsasanay ng stunt horses na nagpapakitang gilas sa entablado o sa mga pelikula.
(ORANGE QUIRKY NEWS)