DALAWA pang Filipino ang binawian ng buhay bunsod ng Middle East Respiratory Coronavirus (MERS-CoV) sa Saudi Arabia sa buwan na ito, ayon sa ulat kahapon ng
Department of Foreign Affairs (DFA)
Bunsod nito, umabot na sa lima ang bilang ng mga Filipino na namatay bunsod ng naturang virus, na kasalukuyang kumakalat sa Middle East region, partikular sa Saudi Arabia.
Hindi ibinunyag ni Foreign Affairs spokesman Charles Jose ang pagkakakilanlan ng mga biktima ngunit inihayag na ang unang biktima ay namatay nitong Mayo 12 habang ang isa pa ay nitong Mayo 18 sa Jeddah.
“Our consulate is rendering assistance to their next of kin and their families have already been notified. They are also facilitating the end of service benefits due them and helping in the repatriation of their remains,” ayon kay Jose.
Ang mga sintomas ng MERS-COV, ayon sa World Health Organization, ay ang pag-ubo, mahirap na paghinga at diarrhea.
(JAJA GARCIA)