Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trainer ni PacMan na si Buboy Fernandez, sasabak sa Beki Boxer! (Itinatagong alas ni Pacman, matulungan kaya si Alwyn)

ni M.V. Nicasio

TULOY-TULOY pa rin ang pakikibeki ni Alwyn Uytingco sa primetime dramedy series ngTV5 na Beki Boxer. At sa mga susunod na linggo, si Buboy Fernandez, mismong trainer ng pambansang kamao Manny Pacquiao ang magiging coach/trainer ni Alwyn sa boxing.

Si Buboy ang sinasabing itinatagong alas ni Pacman. Bata pa lamang sila ay magkaibigan na sila. Kuwento nga ni Buboy, noong bata pa sila, mahilig na raw talagang mag-boxing si Manny. Naging saksi si Buboy sa unti-unting paglago ng pambasang kamao sa kanyang karera. Pero kahit ngayong sikat na si Pacman, si Buboy pa rin ang kanyang kanang-kamay at pinagkakatiwalaang tagapayo pagdating sa mga laban.

Makakasama ni Alwyn si Buboy sa patuloy niyang pakikibeki sa Beki Boxer ng TV5. Matapos ang pinakahuling laban ni Rocky Ponciano (Alwyn) sa professional boxing, makakaharap niya ang isang malaking dagok sa kanyang boxing career. Dito niya makikilala ang trainer ng pambansang kamao na si Buboy at pipilitin niyang mag-ensayo sa ilalim nito.

Para kay Alwyn, isang malaking karangalan na makatrabaho niya ang bestfriend at trainer ng People’s champ. Katulad ng maraming Filipino, iniidolo rin ni Alwyn ang pambansang kamao at nagsisilbing inspirasyon sa kanya si Pacman pagdating sa mga training ng mga boxing stunts niya sa Beki Boxer.

Si Buboy kaya ang maging susi ni Rocky upang matupad ang kanyang pangarap na maging world-class champion boxer? Makabawi pa kaya si Rocky sa kanyang karera? O tuluyan na lamang siyang malalaos katulad ng kanyang amang si Max (Christian Vasquez)?

Huwag palampasin ang patuloy na jombagan sa Beki Boxer , weeknights 7:00 p.m. sa TV5!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …