ni Roldan Castro
INURIRAT si Sarah Geronimo sa presscon ng The Voice Kids na magsisimula sa May 24 saABS-CBN 2 kung may ‘voice’ ba siya para ipaglaban ang pag-ibig niya kay Matteo Guidicelli?
“I always have naman ng sarili kong voice para ipagtanggol…kumbaga, i-voice out ‘yung sarili kong opinion, magkaroon ng sarili kong desisyon. Mayroon naman po kaya lang…everything that happened in my life..nag-mature ako… nag-grow ako as a better person. Kumbaga, unti-unting nalalaman ko na ‘yung mga gusto ko,,,kung ano ‘yung mga hindi ko gusto. Nandoon pa ako sa stage na ‘yan, eh! So, parang late bloomer at kinikilala ko pa rin ‘yung sarili ko, na parang self discovery,” aniya pa.
Sinabi pa niya na lahat ay sinasabi pa rin daw niya kay Mommy Divine at walang isinisikreto.
Kasama ni Sarah bilang coaches sina Lea Salonga at Bamboo.
Sa kauna-unahang pagkakataon naman ay makakatrabaho ni Luis Manzano si Alex Gonzaga, ang dating V-Reporter sa Season 1 ng The Voice of the Philippines bilang hosts.