Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hirit na TRO ni Jinggoy vs plunder tinabla ng SC

HINDI pinagbigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ni Senador Jinggoy Estrada na magpalabas ng temporary restraining order (TRO)  laban sa pagdinig ng Ombudsman sa kasong plunder  kaugnay sa kontrobersiyal na P10-B  pork barrel scam.

Sa ipinalabas na resolution kahapon,  binigyang-pagkakataon ng Kataas-taasang Hukuman ang mga respondent na kinabibilangan ng Ombudsman, National Bureau of Investigation at Atty. Levito Baligod na maghain ng paliwanag o  komento sa petisyon ni Estrada sa loob ng sampung araw.

Sa kanyang petisyon, iginiit ni Estrada na ang reklamo laban sa kanya ay bahagi lamang ng pamumulitika sa hangad na siraan ang oposisyon na kanyang kinabilangan.

Kasama rin sa hiniling ni Estrada sa KS ang atasan nito ang Ombudsman na bigyan siya ng kopya ng mga dokumento na may kinalaman sa kanyang kaso.

Naniniwala rin ang senador na nilabag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang sariling Rules of Procedure ng Ombudsman, pati na ang Rule 112 ng Rules of Court at Article 3 ng Konstitusyon nang ipalabas nito ang resolusyon na nagbasura sa hiling ni Estrada na mabigyan siya ng kopya ng mga affidavit hinggil sa kasong plunder laban sa kanya.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …