Sunday , December 22 2024

Brain drain sa PAGASA (Dahil sa mababang sweldo)

NABABAHALA ang Palasyo sa nagaganap na ‘brain drain’ o pagkaubos ng mga weather forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) dahil sa pagnanais na magtrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, patuloy na inaalam ng Malacañang sa Department of Budget Management (DBM) kung naresolba na ang isyu ng hazard pay ng mga kawani ng PAGASA na sinasabing sanhi nang pangingibang bansa ng mga weather forecaster.

“We are continuously looking into it kasi it’s a concern for us. We have very good weather forecasters. But certainly we would like to address all their concerns, but we have a law to follow, and that’s the reason why we are looking into how do we try to address the concerns within the bounds of the law. But we will certainly ask the DBM as to whether this issue on hazard pay, as who is covered by the hazard pay, has been resolved,” ani Lacierda.

Kinompirma ni Philippine Weathermen Employees Association (PWEA) President Ramon Agustin, nagbitiw ang tatlo nilang weather forecasters  para magtrabaho sa Qatar Bureau of Meteorology.

Ang hindi pagbibigay ng Pagasa ng kanilang mga benepisyo ang ikinatuwiran ng tatlo nang lisanin ang ahensiya.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *