ni Peter Ledesma
Siguro kung ibang abogado ang humawak sa mga kaso ni Claudine Barretto ay baka palusutin na lang nito at ipaubaya sa korte ang mga tinuran ni Raymart Santiago sa recent guesting ng actor sa showbiz oriented talk show ng Kapuso network. Sinira-siraan na naman niya ang ex at ina ng mga anak na si Claudine. Pero, dahil ang sikat at pinag-uusapang si Atty. Ferdinand Topacio ang legal counsel ni Claudine ay sorry na lang, si Raymart dahil talagang hindi siya uurungan ng nasabing high-end lawyer ng bansa. Mabilis ngang nakarma ang actor sa kanyang mga kasinungalingan at muntik-muntikan nang hindi mapanood ang kanyang live interview dahil nagkaroon ng technical problems ang show na nilabasan. Ilan sa mga sinabi ni Raymart sa panayam ni ‘Nay Lolit Solis, sa kanya ay minamadali na raw niya ang pagkuha sa custody ng mga anak kay Claudine na sina Santino at Sabina dahil gusto na niyang makasama ang mga ito at gusto niyang lumaki ang mga bata na may takot sa Diyos!
Ang kapal naman ng apog ng lalaki para gamitin pa ang Diyos. Ano ang gusto niyang palabasin? mas mabuti siyang magulang kay Clau. Maganda at maayos ang pagpapalaki ng actress kina Santino at Sabina at kahit mag-isa lang niyang itina-taguyod ang mga anak ay napag-aaral niya ang mga bata sa magagandang school. Saka tutok rin siya sa pag-aaral ng kanyang mga anghel kaya naman pare-parehong mata-taas ang kanilang grades. Saka may maka-Diyos ba na ka-yang manakit at siraan ang ina ng mga anak sa publiko. Saka ano ang sinasabi ni Clau, na kaya lalo siyang nagagalit sa dating karelas-yong actor ay dahil hindi lang siya ang inisahan kundi pati mga anak nila ay pinakialaman rin niya ang “trustfund?” Aba kung totoo ito, ay walang karapatan si Raymart para angkinin ang mga anak. ‘Yung tungkol naman sa nag-offer raw ang actor ng sustento para sa mga bata pero tinanggihan naman ni Clau ay mabilis itong pinabulaan ng actress.
Narito ang ipinadalang press statement ng kanyang abogadong si Atty. Ferdie na inis na rin sa kayabangan ng ex ng kliyenteng aktres, ito basahin n’yo.
“The statement of the camp of Mr. Raymart Santiago that they offered support but it was rejected is pure unadulterated BS. There were no such offers, at any time. If they are indeed serious, then we now demand support starting August 2013 up to the present at the rate which Mr. Santiago used to give before he left the conjugal abode, until such time that the court orders a differfent amount. We dare Mr. Santiago to put his money where his mouth is.In other words, put up or shut up,” pahayag pa ni Atty. Ferdie.
Ngayon sino sa kanila ni Clau ang nagsisinu-ngaling? Malinaw pa sa liwanag ng buwan na naging pabayang ama ang actor. Saka nakasisi-guro ba siyang ayos pa rin siya kina Santino at Sabina at hindi pa rin nagbabago ang pagtingin sa kanya?
Alalahanin ng actor na sinira niya sa mata ng publiko ang Nanay ng kanyang kids at inakusa-han pang “drug addict?” Mabuti na lang at nalinis ni Claudine ang kanyang sarili nang maging nega-tibo ang resulta ng drug test.
Saka pareho nang may isip sina Santino at Sabina sa palagay niya ay walang epekto sa kanila ang ginawa niyang paninira.
Well tingnan na lang natin kung sasama ba sa kanya ang mga anak? Ay makasarili gyud!
MANALO NG P10K ARAW-ARAW SA “MORE FUN IDOLS” SA JUAN FOR ALL, ALL FOR JUAN
‘Yung masisipag nating Dabarkads na may kanya-kanyang trabaho ang puwedeng manalo sa bagong Pakulo ng Eat Bulaga na “More Fun Idols” sa daily public service segment ng pan-tanghaling programa na Juan For All, All For Juan! Isang way na rin ito ng Bulaga para pahalagaan at kilalanin ang mga hardworking nating kababayan.
Tulad ng nanalo noong Sabado, May 17 na si Enrico de Dios ng Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City. Sampung (10) taon nang jeepney driver ang nasabing mister at sa bawat pasada niya ay hindi lang pagda-drive ang kanyang concern sa mga pasahero kundi inaaalayan rin niya lalo ang matatanda na may mabibigat na bitbit.
Kaya naman isa si Enrico de Dios sa hina-hangaan ng Eat Bulaga sa kanyang kasipagan at pakikipagkapwa-tao. Tumanggap ng premyong P10,000 cash bilang winner. Kayo ba ay may ganito rin kuwento ng kasipagan at kabayanihan?
Abangan ang pagdating nila Dabarkads Jose, Wally at Paolo sa inyong Barangay at malay ninyo kayo na ang susunod na mabubunot sa bagong portion ng EB na puwede kayong manalo ng P10 K at maging bida at huwaran sa nakararami.