Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joyce, dumarami ang pelikula

ni VIR GONZALES

MAY bago na namang movie si Joyce Ching, ang Tadhana katambal si Kean Chan. Tila dumarami ang movie ni Joyce na siya ang bida. Ibig sabihin, bankable si Joyce at may tiwala ang mga producer, hindi sila malulugi kapag si Joyce ang bida.

Ang producer ni Joyce sa Tadhana ay si Randy Mendoza na taga- Talavera, Nueva Ecija na magaling sa computer. Tapos siya ng college sa Feati University at bata pa. si Randy din ang producer ng Kamandag ni Venus, tampok si Rajah Montero. Balak din niyang gawin ang pelikulang Selpi na usong-uso ngayon.

Sa pelikulang Tadhana, ipinakita ni Joyce ang natatago niyang acting. Kung sa mga teleserye ay puro ligawan at awayan ang kalimitang role na naibibigay sa kanya, iba naman dito sa Tadhana.

Hindi maramot si Randy sa mga press na nakatutulong sa kanya. Walang umuuwing luhaan, basta rin lang nagpa-imbita siya. Isang civic minded si Randy sa Talavera, Nueva Ecija. Marami siyang nabibigyan ng trabaho sa showbiz sa pamamagitan ng pagpo-produce ng pelikula. Mabuhay ka, Randy Mendoza.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …