Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Concert ni Anne, flop kahit namigay na raw ng tiket?

ni Alex Brosas

FLOP ang latest concert ni Anne Curtis. Hindi niya napuno ang concert venue kahit na buwis-buhay ang kanyang ginawa.

Ang mas nakalolokang chismis, namigay daw ang management ni Anne ng tickets para lamang hindi naman talaga mukhang luging-lugi ang producer. So, kung true ang nasulat na 60 % lang ang tao sa venue, around 50% siguro ang bumili ng ticket.

Nagsawa na rin siguro ang mga tao sa gimik ni Anne. Unang-una, wala naman talaga siyang talent sa pagkanta. Wala siya sa tono, ang alam lang niya ay magpaseksi.

Baka naisip na rin ng mga tao na ang hirap ng buhay ngayon so, bakit ka naman manood ng concert na pagkamahal-mahal ng ticket pero hindi naman talaga performer ang bida.

Baka nadala na rin ang tao kay Anne. Baka nag-sink in na rin sa kanila ang kamalditahan nito. Noong una, nasangkot siya sa sampalan blues with John Lloyd Cruz and Phoemela Barranda. Then, nabalita ring nilait-lait niya ang boyfriend ng sister niyang si Sam Concepcion.

Naku, baka kapag mayroon pang isang flop na concert si Anne ay mabansagan na siyang Flop Star niyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …